MMDA hinikayat ang publiko na patuloy na magsuot ng face mask

MMDA hinikayat ang publiko na patuloy na magsuot ng face mask

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na patuloy pa ring magsuot ng face masks outdoors at sa open spaces sa kabila ng umiiral na Executive Order number 3 na optional na lamang ang pagsusuot nito sa mga nabanggit na lugar.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III na ang pagsusuot ng face masks ay pumuprotekta sa atin hindi lamang sa COVID-19 virus kundi mula sa polusyon.

Ayon kay Dimayuga, kaisa ang MMDA sa publiko partikular na ang mga hindi pa nakumpleto ang bakuna, immuno-compromised, at senior citizens na patuloy na magsuot ng face masks sa indoor o outdoor upang makatulong na maibsan ang panganib o banta ng pagkahawa sa virus at matigil ang pagkalat nito.

Bukod dito, naglabas ang ahensya ng isang memorandum para sa lahat ng kanyang empleyado na manatili pa rin sa istriktong pagsunod sa minimum health protocols. Nakasaad sa memorandum na panawagan sa lahat ng empleyado na magsuot ng masks kahit sa outdoor lalo na ang mga field personnel para na rin sa kanilang proteksiyon.

Sa ilalim ng Executive Order No. 3, ang pagsusuot ng face masks sa open spaces at non-crowded outdoor areas na may maayos na bentilasyon ay optional na ngayon basta nasusunod ang physical distancing sa lahat ng oras. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *