Taguig LGU nagtatag ng school-based disease early warning,alert and response network
Sa muling pagbabalik eskwelahan ng mga estudyante, itinatag ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) ang pilot program na School-based Disease Early Warning, Alert and Response Network (School EWARN).
Layunin nito na magkaroon ng mabisa at mabilis na pagtukoy ng mga sakit na maaring magdulot ng outbreak sa ating mga eskwelahan.
Ang programang ito ay isang disease surveillance system para sa mga DepEd school clinics na nakibahagi sa training ang mahigit 28 na nurses at school dentists mula sa Department of Education.
Ito ay pagpapalakas ng ugnayan ng mga school clinics at ng CEDSU para sa agarang pagrereport ng cluster ng mga sakit sa mga paaralan at maagap na matugunan ng lungsod ng Taguig.
Ang School EWARN ay bahagi ng health system ng lungsod sa pagpapaigting ng safe schools environment para sa kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral. (Bhelle Gamboa)