Optional masking sa open spaces hindi magdudulot ng resurgence ng COVID-19 cases – OCTA Research
Hindi magdudulot ng resurgence ng COVID-19 infections ang pagpapatupad ng optional masking sa outdoor areas.
Sinabi ito OCTA Research fellow Guido David matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa outdoor spaces.
Ayon kay David, nagpapatupad na ng parehong polisiya sa ibang mga bansa at hindi naman tumataas ang trend ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Ang kailangan lang aniya ay matiyak ang proteksyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng bakuna.
Kung magkakaroon man aniya ng pagtaas sa kaso ay hindi na ito aabot sa sobrang dami ng kaso gaya noong Enero na umabot sa halos 40,000 ang daily cases dahil sa Omicron surge.
Sa kabila nito, hinikyat ng OCTA Research ang pamahalaan na magtakda ng alituntunin na magsasaad ng kung ano ang maaaring maging batayan para muling ipatupad ang mandatory wearing of face mask. (DDC)