Pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal inaprubahan ni Pangulong Marcos

Pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal inaprubahan ni Pangulong Marcos

Inaprubahan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal para matugunan ang kakapusan ng suplay sa bansa.

Inilabas ng SRA ang kopya ng Sugar Order No. 2 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakasaad sa kautusan na hindi dapat lalagpas sa 150,000 metric tons ang aangkatin na refined sugar.

Kalahati dito ay para sa industrial use habang ang kalahati ay para sa mga consumer.

Una nang hinarang ni Pangulong Marcos bilang siya ring kalihim ng Department of Agriculture ang Sugar Order No. 1 na dapat ay magbibigay-daan sa pag-aangkat ng 300,00 metric tons ng asukal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *