371 qualified PDLs pinalaya ng sabay-sabay ng BuCor

371 qualified PDLs pinalaya ng sabay-sabay ng BuCor

Pinalaya ng sabay-sabay ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 371 na kuwalipikadong Persons Deprived of Liberty (PDL) sa idinaos na Culminating Program sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang nasabibg programa ay may temang “Epektibong Repormasyon Kaakibat ay Pag-asa at Tagumpay sa Panibagong Buhay”, na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa Department of Justice (DOJ) at ng BuCor sa pangunguna ni BuCor Director General Undersecretary Gerald Q. Bantag.

Dumalo bilang panauhing pandangal si DOJ Secretary Jesus Crispin C. Remulla kasama sina DOJ Usec. DEO l. Marco,Atty. Sergio R. Calizo Jr. , Chairperson, Board of Pardons and Parole, retired Gen. Julito M. Diray, Administrator, Parole and Probation Administration, at Dr. Persida V. Rueda-Acosta, D.S.D., Chief of Public Attorney’s Office.

Ang mga lumayang PDL ay mula sa pitong (7) kolonya ng BuCor at pinagkalooban sila ng kanilang Certificate of Discharge, Grooming Kit, Gratuity, Transportation Allowance at Referral Letter na ginawa ng isang Social Worker mula sa External Affairs Section (EAS) upang maging tulay para magkaroon sila ng trabaho at hanapbuhay.

Samantala, nabanggit ni Sec. Remulla na ang programang ito ay kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang maagang pamasko sa mga kuwalipikadong PDL na nagsilbi ng mahabang panahon sa piitan.

Patuloy na sinisikap ng BuCor na maitaguyod ang mga polisiya at programang pangrepormasyon para sa PDL lalo na sa ikabibilis ng paglaya ng mga karapat-dapat na PDL. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *