Deployment ban ng OFWs sa Saudi Arabia babawiin na ng pamahalaan
Nakatakda nang bawiin ng pamahalaan ang umiiral na deployment ban ng mga OFW sa Saudi Arabia.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, kasunod ito ng isinagawang bilateral discussions sa pamahalaan ng Saudi Arabia.
Sinabi ni Ople na nagkasundo ang mga opisyal ng DMW at si Saudi Minister of Human Resources and Social Development Ahmad Bin Sulaiman Al-Rajhi para masimulan na ang mga hakbang sa pagkakaroon ng productive employment ng mga OFWs kasabay ng pagtitiyak ng proteksyon sa kanilang karapatan.
Ayon kaky Ople, batay sa kasunduan, sisimulan ang deployment ng mga Filipino workers sa Saudi sa November 7.
Kabilang sa napagkasunduan ang pag-rebisa sa Standard Employment Contract ng mga OFWs kung saan dapat magarantiyahan na ang pagkakaroon ng insurance para sa hindi mababayarang sahod, tamang pagpapasahod, at pre-termination clause. (DDC)