Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Are of Responsibility (PAR) at ngayon ay nasa tropical storm category na.

Ang bagyong may international name na “Nanmadol” ay huling namataan sa layong 1,910 km East ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong East northeast sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA posibleng bukas ng gabi o sa Biyernes ng umaga ay papasok sa bansa ang bagyo.

Papangalanan itong “Josie” kapag nasa loob ng ng PAR.

Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo at maaaring nasa typhoon category na pagpasok sa bansa.

Malayo naman ito sa landmass at hindi magkakaroon ng direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa, gayunman maaaring palakasin nito ang Southwest Monsoon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *