Van nahulog sa bangin sa bahagi ng SLEX, 2 ang sugatan
Sugatan ang driver at pahinante ng isang delivery van makaraang mahulog sa bangin sa bahagi ng South luzon Expressway (SLEX).
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, dinaanan niya ang pinangyarihan ng aksidente bago pumasok sa opisina sa pag-aalalang may bahay na nabagsakan ang sasakyan.
Maswerteng wala aniyang malubhang nasugatan sa aksidente.
Ang driver at pahinante ng van at nagtamo ng sugat sa katawan at ang isa sa kanila ay maaaring nagtamo ng bali sa ribs.
Mabilis aniyang nakaresponde ang rescue team ng DDRM at SLEX traffic management, gayundin ang Muntinlupa rescue at Bureau of Fire.
Ayon kay Biazon, may 20 talampakan ang lalim ng pinaghulugan ng sasakyan.
Bagaman, mayroon aniyang bahay na nabagsakan sa baba ay hindi naman naging matindi ang pinsala.
Ikinabahala naman ng alkalde ang aniya ay hindi sapat na safety measures sa SLEX para maiwasan ang ganoong uri ng aksidente.
“Malaking pasasalamat yan sa Panginoon. Pero nakakabahala na hindi sapat ang safety measures ng tollway management para mapigilan ang ganitong aksidente. Maliwanag na may panganib ang kasalukuyang construction nila ng widening ng highway,”. ayon kay Biazon.
Dapa aniyang palitan ang mga plastic orange barriers ng concrete barriers para mapigilan ang mga sasakyan na mahulog sa residential area.
Tiniyak naman ni Biazon na ipararating ito sa sa tollway management. (DDC)