Pangulong Marcos nagtanim ng bamboo sa Old San Mateo Sanitary Landfill sa Rizal sa araw ng kaniyang Kaarawan
Kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-65 Kaarawan, dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tree Planting activity sa San Mateo, Rizal.
Pinangunahan ng pangulo ang National Simultaneous Bamboo and Tree Planting and Kick-off Ceremony na idinaos sa Old San Mateo Sanitary Landfill.
Tiniyak ng pangulo ang commitment ng kaniyang administrasyon para mapangalagaan ang kalikasan.
Nagpasalamat din ang pangulo sa civil society at non-government organizations (NGOs) na nakiisa sa aktibidad.
Ang Bamboo at Tree Planting activity ay isinagawa din sa iba pang panig ng bansa.
Ang mga itinanim sa isinagawang Tree Planting activity ay inaasahang makasasakop sa mahigit 11.6 ektaryang lupain pagsapit ng 2023.
Bahagi ito ng National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). (DDC)