Phase II ng Sangley Airport Development Project, inaasahang matatapos sa susunod na taon
Binisita ni The Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang Sangley Airport sa Cavite kasama ang mga opisyal mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa DOTr, nag-inspeksyon si Bautista sa nakumpleto nang Sangley Airport Development Project (Phase I) na pinondohan ng P515 million.
Kinapapalooban ang proyekto ng konstruksyon ng hangars, passenger terminal building, maintenance building, at powerhouse, gayundin ang runway asphalt overlay at runway shoulder grade correction.
Nag-inspeksyon din si Bautista sa nagpapatuloy namang Phase 2 ng development projects sa paliparan na kapapalooban ng pagtatayo ng dalawa pang hangars, pump stations, sheet piling works, airside strip development, reclamation works, at drainage works.
Kabuuang P462.9 million naman ang inilaang pondo sa Sangley Airport Development Project Phase II na nagsimula noong March 25, 2022 at inaasahang matatapos sa May 20, 2023. (DDC)