BREAKING: Optional masking sa outdoor settings inaprubahan ni Pangulong Marcos

BREAKING: Optional masking sa outdoor settings inaprubahan ni Pangulong Marcos

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 3 kung saan pinapayagan na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusot ng face mask sa outdoor settings.

Sa nasabing EO, iniutos ni Pangulong Marcos na gawing boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces at non-crowded outdoor areas na mayroon maayos na ventilation.

Gayunman, ang mga hindi pa fully vaccinated laban sa COVID-19, mga senior citizen, at immunocompromised individuals ay pinapayuhan pa ring magsuot ng face mask at tumalima sa physical distancing.

Kinakailangan pa ring magsuot ng face mask sa lahat ng oras kapag nasa indoor private o indoor public establishments, kabilang ang public transportation (land, sea, air), at sa outdoor settings kung saan imposibleng maipatupad ang physical distancing.

Patuloy pa ring ipatutupad ang iba pang minimum public health standards (MPHS) para maiwasan ang pagkalat ng kaso ng COVID-19.

Inatasan ng pangulo ang IATF na i-update ang guidelines nito sa MPHS base sa rekomendasyon ng DOH at mga miyembro ng Task Force. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *