Pansamantalang pagbawi sa tagging at alarma sa mga nahuling sasakyan sa NCAP, hiniling ng MMDA sa LTO
Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang bawiin ang tagging at alarma ng mga nahuling sasakyan sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng ahensya kasunod nang inisyung Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court noong nakaraang buwan.
Sa liham nito sa LTO’s service provider Stradcom Corporation, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na ang mga bilang ng sasakyan na nagmamay-ari at buyers o nakabili ng sasakyan na kabilang sa naka-tag at inilagay sa alarma ng LTO sa ilalim ng MMDA’s NCAP ay hindi maaaring magrenew at magsalin ng registration o pagpapatala ng kanilang sasakyan dahil hindi tinatanggap ng Authority ang kanilang bayad sa multa bunsod ng pansamantalang suspensiyon ng polisiya.
“Without violating the Supreme Court TRO and with the higher interest of public service, the MMDA hereby requests the Stradcom Corporation to temporarily lift the tagging and alarm of the affected motor vehicles under the MMDA’s NCAP,” ani Dimayuga sa liham.
Binigyang-diin ni Dimayuga na ang naturang hiling ay hindi makapipinsala sa pinal na desisyon ng Korte Suprema Supreme at ibabalik kung sakaling ipasya ng High Tribunal ang legalidad ng MMDA NCAP. (Bhelle Gamboa)