Luzon Grid sasailalim sa Red Alert sa loob ng tatlong oras dahil sa mababang suplay ng kuryente
Iiral ang Yellow Alert at Red Alert sa Luzon Grid dahil sa mababang suplay ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, mababa ang suplay ng kuryente ngayong Lunes, Sept. 12 dahil sa pagkakaroon ng power plant outages.
Ang pag-iral ng Yellow Alert ay nagsimula 9:01AM at tatagal hanggang 1:00PM at muling paiiralin mula 4:01 hanggang 9PM.
Habang Red Alert naman ang iiral mula 1:01PM hanggang 4:00PM.
Ayon sa NGCP, mayroong available capacity na 10,727MW sa Luzon, gabang aabot sa 10,585MW ang peak demand.
Mayroong pitong power plants ang nagpatupad ng forced outage, habang mayroon pang tatlo ang nag-ooperate ng mas mababa sa kapasidad.
Inabisuhan ng Meralco ang kanilang mga consumer na agad i-report sa Meralco Facebook page sa pamamagitan ng messenger kung makararanas ng brownout. (DDC)