Junk foods at sweetened beverages nais mapatawan ng dagdag na buwis
Nais ng Department of Health (DOH) na mapatawan ng karagdagang buwis ang mga produktong junk food at sweetened beverages.
Ayon sa DOH makatutulong ito para matugunan ang problema sa obesity at madaragdagan pa ang malilikom na buwis para mapondohan ang universal healthcare program ng pamahalaan.
Ayon kay DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, kung tataasan ang buwis ng junk foods at sweetened beverages ay mababawasan ang mga taong tatangkilik sa mga ganitong produkto.
Ganito kasi aniya ang naging epekto ng pagtaas ng buwis sa alcoholic drinks and tobacco products.
Ani Vergeire ang sweetened beverages at junk food ay kabilang sa nagdudulot ng obesity o pagiging overweight.
Ang dadag na buwis na malilikom mula ay gagamitin aniya para mapondohan ang Universal Healthcare Law kung saan otomatikong pakikinabangan ng mga mamamayang Filipino sa ilalim ng National Health Insurance Program. (DDC)