Typhoon Inday bahagyang humina habang papalapit sa Southern Japan

Typhoon Inday bahagyang humina habang papalapit sa Southern Japan

Bahagyang humina ang Typhoon Inday na ngayon ay papalapit na sa Yaeyama Islands ng Southern Japan.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 425 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay magla-landfall sa Yaeyama Islands.

Lalabas ito ng bansa mamayang gabi o bukas ng umaga.

Mula sa Pilipinas ay didiretso ang bagyo sa East China Sea. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *