Bahagi ng Meralco Ave. sa Pasig City isasara sa daloy ng trapiko para bigyang-daan ang subway project

Bahagi ng Meralco Ave. sa Pasig City isasara sa daloy ng trapiko para bigyang-daan ang subway project

Simula sa October 3, 2022 ay isasara sa mga motorista ang bahagi ng north at southbound ng Meralco Ave. sa Pasig City upang bigyang-daan ang subway project.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) sisimulan na ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP) – Shaw Boulevard Station.

Ang road closures ay tatagal hanggang 2028 at masasakop ang harapang bahagi ng Capitol Commons patungo sa kanto ng Shaw Boulevard.

Ayon sa DOTr, ang Meralco Avenue ang magsisilbing access point ng proyekto patungo sa Shaw Boulevard Station ng subway.

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang alternatibong ruta na inihanda ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ng City Governments ng Pasig at Mandaluyong.

Narito ang rerouting plan:

𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐔𝐭𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐉𝐞𝐞𝐩𝐧𝐞𝐲𝐬 (𝐏𝐔𝐉𝐬)—𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐌𝐞𝐫𝐚𝐥𝐜𝐨 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐠𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐒𝐡𝐚𝐰 𝐁𝐨𝐮𝐥𝐞𝐯𝐚𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐫𝐞𝐫𝐨𝐮𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐂𝐚𝐩𝐭𝐚𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐧𝐫𝐲 𝐉𝐚𝐯𝐢𝐞𝐫 𝐒𝐭. 𝐭𝐨 𝐃𝐚𝐧𝐧𝐲 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐭. 𝐚𝐧𝐝 𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚
𝐌𝐨𝐝𝐞𝐫𝐧𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐉𝐞𝐞𝐩𝐧𝐞𝐲𝐬—𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐌𝐞𝐫𝐚𝐥𝐜𝐨 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐠𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐒𝐡𝐚𝐰 𝐁𝐨𝐮𝐥𝐞𝐯𝐚𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐫𝐞𝐫𝐨𝐮𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐃𝐨𝐧𝐚 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐭𝐨 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐢𝐠𝐮𝐞𝐥 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚
𝐔𝐕 𝐄𝐱𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐕𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞𝐬/𝐔𝐧𝐢𝐭𝐬—𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐌𝐞𝐫𝐚𝐥𝐜𝐨 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐠𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐒𝐡𝐚𝐰 𝐁𝐨𝐮𝐥𝐞𝐯𝐚𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐫𝐞𝐫𝐨𝐮𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐃𝐨𝐧𝐚 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐭𝐨 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐢𝐠𝐮𝐞𝐥 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐨𝐫 𝐀𝐧𝐝𝐚 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐭𝐨 𝐂𝐚𝐦𝐢𝐧𝐨 𝐕𝐞𝐫𝐝𝐞
𝐏𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐕𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞𝐬—𝐚𝐥𝐥 𝐚𝐯𝐚𝐢𝐥𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐫𝐨𝐮𝐭𝐞𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞

Ang MMSP ang magiging kauna-unahang underground mass transit system sa bansa.

Pinondohan ito ng Japanese government, na kapapalooban ng 33-kilometer rail line mula sa Valenzuela City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Sa sandaling matapos na ay bababa ang travel time sa pagitan ng Quezon City at NAIA mula sa 1 hour and 10 minutes patungo sa 35 minutes na lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *