Bagyong Inday lumakas pa; sa Martes pa lalabas ng bansa

Bagyong Inday lumakas pa; sa Martes pa lalabas ng bansa

Patuloy sa paglakas ang bagyong Inday na ngayon ay nasa typhoon category.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 335 kilometers Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West northwest sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, hindi na direktang makaaapekto sa bansa ang bagyo, gayunman, ang outermost rainbands nito at ang Southwest Monsoon ay maaaring magdulot ng pag-ulan sa Batanes at sa western sections ng Central at Southern Luzon.

Bukas araw ng Lunes at sa Martes, mabagal na kikilos ang bagyo patungo sa Yaeyama Islands at sa East China Sea.

Maaaring sa Martes ng umaga o tanghali ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *