COVID-19 reproduction number at positivity rate sa NCR bahagyang tumaas

COVID-19 reproduction number at positivity rate sa NCR bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 0.93 ay tumaas sa 1.11 ang reproduction number sa NCR.

Ang pagtaas ng reproduction number ayon sa OCTA Research ay nangangahulugang tumaas ang infections.

Tumaas din ang positivity rate sa 13.3% noong Sept. 9 mula sa 12.1% noong Sept 2.

May bahagya ding pagtaas sa average daily attack rate sa Metro Manila.

Sa kabila nito, sinabi ng OCTA Research na nananatiling nasa “low” ang COVID-19 hospital bed occupancy at ICU occupancy sa rehiyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *