DOTr pabor na panatilihin ang pagsusuot ng face mask sa mga public transportation
Pabor ang Department of Transportation (DOTr) na panatilihin ang pagsusuot ng face mask sa mga public transportation.
Sa pahayag, sinabi ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista na patuloy din na ipatutupad ng ahensya ang health and safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.
Kabilang dito ang pagbabawal sa mga pasahero na magsalita o makipag-usap sa telepono, pagbabawal na kumain, pananatiling well ventilated ang mga public utility vehicles, pagsasagawa ng disinfection, hindi papayagan ang mga pasaherong may sintomas ng COVID-19 na makasakay sa public transportation at pagpapanatili sa physical distancing.
Sinabi ni Bautista na dahil sa collective fight laban sa COVID-19 pandemic ay malaki na ang ibinuti ng datos at malaki ang ibinaba ng mga kaso.
Umapela si Bautista sa publiko na manatiling maging maingat. (DDC)