Red Cross inaalala ang mga naitulong ng UK sa mga nabiktima ng kalamidad sa bansa
Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II, inalala ng Philippine Red Cross ang mga naitulong ng United Kingdom sa mga nabiktima ng kalamidad sa bansa.
Sa pahayag ng PRC, nagpaabot ito ng pakikiramay at simpatya sa The House of Windsor, United Kingdom, at sa Commonwealth Realms sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.
Ayon sa PRC si Queen Elizabeth II ay tagasuporta ng Red Cross Movement.
Sa pamamagitan ng monetary contributions, nakatulong ang British government sa PRC sa mga nagdaang kalamidad sa bansa.
Nang ilunsad ng PRC ang Emergency Appeal para sa mga bitkima ng Typhoon Goni, agad nagpadala ng kontribusyon ang UK para sa mga apektadong pamilya.
Pinondohan din ng British Red Cross ang recovery program para sa mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Haiyan sa Iloilo. (DDC)