Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 597 percent
Nakapagtala ng 597 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa Western Visayas.
Sa datos ng Western Visayas Center for Health Development, nakapagtala ng dagdag na 277 na bagong kaso ng dengue sa rehiyon.
Dahil dito, umabot na sa 11,341 ang total cases ng dengue sa Western Visayas mula Jan. 1 hanggang Aug. 27, 2022.
Mas mataas ito ng 597 percent kumpara sa 1,627 cases na naitala sa kaparehong petsa noong 2021.
Ayon sa DOH Western Visayas, 65 na ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi sa dengue sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.
Narito ang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa mga lalawigan sa rehiyon:
– Negros Occidental (79)
– Iloilo (72)
– Antique (43)
– Capiz (35)
– Aklan (19)
– Guimaras (15)
– Iloilo City (10)
– Bacolod City (4)