MIAA naglabas ng paliwanag matapos mabiktima ng “bukas maleta” modus ang isang Pinoy na galing Spain

MIAA naglabas ng paliwanag matapos mabiktima ng “bukas maleta” modus ang isang Pinoy na galing Spain

Nagpaliwanag ang Manila International Airport Authority (MIAA) matapos mabiktima ng “bukas-maleta” modus ang Pinoy Tiktok content creator na si Ady Cotoco.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Cotoco na tinatayang P200,000 halaga ng luxury items ang nawala sa kaniyang bagahe nang siya ay dumating sa NAIA Terminal 3 galing sa Madrid, Spain lulan ng Etihad Airways.

Kabilang sa mga nawala ay sapatos, bag, pabango at mga damit.

Sa pahayag na inilabas ng pamunuan ng MIAA, humingi ito ng paumanhin sa naranasan ni Cotoco.

Ayon sa MIAA, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang MIAA at Etihad at ni-review ang mga CCTV footages.

Natuklasan umano sa imbestigasyon na ang pag-tamper o pagbubukas sa maleta ni Cotoco ay hindi nangyari sa NAIA Terminal 3 kundi maaaring sa paliparan sa ibang bansa kung saan nagstop-over ang kaniyang sinakyang eroplano.

Hiniling ng MIAA sa Etihad Airways na asistihan si Cotoco sa mga pangangailangan nito. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *