Kadiwa sa Pamahalaan Market idinadaos sa Las Piñas City Hall tuwing Biyernes

Kadiwa sa Pamahalaan Market idinadaos sa Las Piñas City Hall tuwing Biyernes

Patuloy na tinatangkilik ng mga residente ang mga sariwang ani at iba pang produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda ng Mindoro at Benguet na alok sa Kadiwa sa Pamahalaan Market sa Las Piñas City Hall nitong Biyernes, Setyembre 9.

Ang Kadiwa sa Pamahalaan ay proyektong inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas City sa koordinasyon ng City Agriculture Office at ng Department of Agriculture na nagpapahintulot sa mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga produktong pang-agrikultura sa mababa o murang presyo bilang tulong na rin sa mga pamilyang Pilipino.

Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang mga mamamayan nito na suportahan ang lingguhang sistema ng palengke sa tuwing alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa parking lot sa likod na bahagi ng Las Piñas City Hall. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *