Optional masking sa open spaces rekomendasyon pa lang at hindi pa epektibo ayon sa DOH

Optional masking sa open spaces rekomendasyon pa lang at hindi pa epektibo ayon sa DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na rekomendasyon pa lamang ang isinasaad ng IATF Resolution No. 1 hinggil sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa open spaces.

Ayon sa DOH isinumite ang nasabing rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang konsiderasyon.

Sa panig ng kagawaran, ang nais nito ay panatilihin ang pagsusuot ng face mask.

Gayunman, ayon sa DOH may mga datos na isinumite na nagbunsod para maipalabas ang nasabing IATF resolution.

Sinabi rin ng DOH na kailangang balansehin ang kalusugan at ekonomiya.

Sakaling maaprubahan ng pangulo ang optional masking ay papayagan lamang ito sa outdoors, sa mga lugar na hindi crowded, at mayroong maayos na ventilation.

At ang papayagan lamang sa optional masking ay ang mga low risk individuals.

Ibig sabihin kahit maaprubahan ang resolusyon ng IATF ay patuloy ang pagpapasuot ng face mask sa mga senior citizens, may comorbidities, mga bata, at mga may sintomas ng COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *