Bagyong Inday napanatili ang lakas; magiging severe tropical storm sa susunod na 24 na oras

Bagyong Inday napanatili ang lakas; magiging severe tropical storm sa susunod na 24 na oras

Napanatili ng tropical storm Inday ang lakas nito habang nasa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,215 kilometers East ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, mananatili lamang Philippine Sea ang bagyo at sa Lunes ay magtutungo ito sa Ryukyu Islands at sa East China Sea.

Sa susunod na 24 na oras ay lalakas pa ang bagyo at maaaring umabot sa severe tropical storm category.

Sa Linggo o Lunes inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *