Germany nangangailangan ng 600 Pinoy nurses
Nangangailangan ang bansang Germany ng 600 nurses na oportunidad para sa mga Filipino nurse.
Sinimulan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagtanggap ng aplikasyon sa mga Filipino registered nurses para sa deployment sa mga ospital at elderly centers sa Germany.
Ang pagbubukas ng nasabing oportunindad para sa mga Pinoy nurses ay resulta ng government-to-government (G2G) partnership sa ilalim ng Triple Win Project sa pagitan ng Pilipinas at pamahalaan ng Germany.
Sa mga nais mag-apply, maaaring bisitahin ang Facebook page ng DMW at opisyal na website nito para sa iba pang detalye. (DDC)