Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA nasa tropical storm category na ang bagyo na huling namataan sa layong 1,445 kilometers East ng Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong southwest.

Dahil sa pagbilis ng kilos ng bagyo, inaasahang papasok na ito sa bansa ngayong hapon o gabi.

Papangalanan itong “inday” pagpasok sa PAR.

Sa susunod na 24 na oras, inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *