2nd Medical Caravan sa Parañaque isinagawa
Sa pangunguna ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez, matagmpay na naisagawa ang ikalawang Medical Caravan sa Old Barangay San Dionisio sa lungsod nitong Martes, Setyembre 6.
Layunin ng nasabing caravan na makapagbigay ng libreng medical at non-medical na mga serbisyo at programa para sa mga Parañaqueños.
Kabilang sa ipinagkaloob na mga serbisyo ay ang medical consultation, dentel services, nutrition program, eye care, HIV testing, laboratory tests, veterinary services, aceto acid wash, COVID-19 vaccination, national immunization program, chest X-ray, free legal service,SSO’s Libreng Libing Program at College Education Financial Program, at health-related services (haircut, libreng tsinelas, at iba pa).
Kasama rin sa Medical Caravan ang mga konsehal ng lungsod, Vice Mayor Joan Villafuerte, at Congressman Edwin Olivarez. (Bhelle Gamboa)