Panukalang budget para sa National Rice Program ng pamahalaan dinoble

Panukalang budget para sa National Rice Program ng pamahalaan dinoble

Mula sa kasalukuyang pondo na P15.8-bilyon ay dumoble sa P30.5-bilyon ang panukalang pondo para sa National Rice Program ng Department of Agriculture sa loob ng 2023 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, layon ng programang ito na pataasin ang produksyon ng bigas upang masiguro ang pagbaba ng presyo nito sa merkado.

Kasama ang sektor ng agrikultura sa mahalagang prayoridad ni Pangulong Marcos Jr. upang masiguro ang food security at sufficiency sa mga susunod na taon.

Bahagi rin ang budget ng National Rice Program sa P184.1 bilyong alokasyon para sa sektor ng agrikultura sa ilalim ng 2023 NEP. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *