Bago at mas maayos na pasilidad para sa PAGASA, itinatayo ng DPWH

Bago at mas maayos na pasilidad para sa PAGASA, itinatayo ng DPWH

Inumpisahan na ang pagtatayo ng bagong gusali ng PAGASA sa loob ng Science Garden Complex, Diliman, Quezon City.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Unified Project Management Office – Buildings Management Cluster, ang six-storey building project ay mayroong gross floor area na 8,608 square meters.

Nasa 38 percent na ang completion rate ng proyekto.

Sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na ang bagong gusali ay magbibigay ng mas maayos na pasilidad sa mga scientists.

Magkakaroon din ito ng auditorium at dagdag na mga kwarto para mai-accommodate ang mga empleyado ng weather bureau.

Ang proyekto ay pinaglaanan ng P269 million na pondo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *