World Tour ni Justin Bieber muling ipinagpaliban dahil sa problema sa kalusugan
Muling nakaranas ng problema sa kalusugan ang singer na si Justin Bieber.
Unang na-diagnose si Bieber na may Ramsay Hunt Syndrome na nagresulta sa partial facial paralysis.
Dahil dito, na-postpone ang serye ng shows niya para sa kaniyang Justice World Tour.
Matapos gumaling sa sakit, itinuloy ni Bieber ang mga show niya sa Europe noong buwan ng Hulyo.
Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Bieber na anim na live shows ang natapos niya sa Europe.
Nitong weekend, matapos ang show niya sa Brazil, nakaramdam siya ng matinding pagod.
Doon umano niya napagtanto na kailangan niyang iprayoridad ang kaniyang kalusugan.
“So I’m going to take a break from touring for the time being. I’m going to be ok, but I need time to rest and get better,” ayon sa singer.
Kasama ang Pilipinas sa “Justice World Tour” ni Beiber kung saan nakatada sana siyang mag-perform sa CCP Open Grounds sa October 29. (DDC)