ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa; bagyo papasok sa PAR mamayang gabi o bukas ayon sa PAGASA

ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa; bagyo papasok sa PAR mamayang gabi o bukas ayon sa PAGASA

Nagbabala ang PAGASA ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ.

Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang mararanasang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Samantala, binabantayan pa rin ng weather bureau ang tropical depression na nasa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,530 kilometers east ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Timog.

Ayon sa PAGASA, maaaring pumasok sa bansa ang bagyo ngayong Miyerkules ng gabi o bukas (Sept. 8) ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *