Libu-libo inilikas sa South Korea dahil sa pananalasa ng Typhoon Hinnamnor
Nananalasa sa South Korea ang Typhoon Hinnamnor na galing sa Pilipinas bilang bagyong Henry.
Tumama sa coastal city na Geoje ang nasabing bagyo at nanalasa sa southern eastern city na Uslan.
Nagpatawag na ng pulong si South Korean President Yoon Suk-yeol para matiyak ang pagtugon sa mga nasalanta ng bagyo.
Umabot sa mahigit 3,400 na katao ang nailikas na, habang may naiulat na isang nawawala.
Daan-daang flights din ang nakansela at nasuspinde ang operasyon ng ilang mga negosyo.
Inaasahang magtutungo ang bagyo sa Sapporo, Japan. (DDC)