6.3 percent inflation rate naitala noong Agosto
Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Agosto.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 6.3 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mababa kumpara sa 6.4 percent noong Hulyo.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation noong Agosto ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport.
Ito ay may 14.6% inflation at 57.9% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Habang ang pangalawang commodity group na nagpakita ng pagbagal ng antas ng inflation noong Agosto ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6.3% inflation at 41.5% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa. (DDC)