Walang Pinoy na nasaktan sa mass stabbing incident sa Canada – DFA
Walang Pinoy na nadamay sa insidente ng mass stabbing na naitala sa Saskatchewan, Canada kung saan sampu ang nasawi at mahigit labingdalawa ang nasugatan.
Ayon sa DFA, kinumpirma ni Philippine Consul General Zaldy Patron na ligtas ang mga Pinoy sa lugar matapos ang insidente.
Batay sa paunang ulat ng mga otoridad, dalawang lalaking suspek ang pinaghahanap pa na nasa likod ng pag-atake.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananaksak.
Nangyari ang krimen sa James Smith Cree Nation sa Weldon Village na sakop ng Saskatchewan Province.
Ang James Smith Cree Nation ay isang indigenous community na mayroong 3,400 na populasyon.
Ang kanilang ikinabubuhay ay pagsasaka, hunting at pangingsida. (DDC)