Panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa riders laban sa “hoax orders” inihain sa Senado
Inihain ni Senator JV Ejercito sa Senado ang panukalang batas na magpapataw ng parusa laban sa mga pekeng orders na nagiging dahilan para maagrabyado ang mga delivery riders.
Layon ng Senate Bill No. 1234 o Delivery Riders Protection Act ni Ejercito na mabigyang proteksyon ang mga naghahanapbuhay na riders.
Sa ilalim ng panukala, bawal ang mga sumusunod:
-Paggamit ng impormasyon ng ibang tao
-Pagkansela ng confirmed orders
-Mga hoax orders
-Pagtanggi sa ‘di bayad na order
Maaring mapatawan ng parusang hanggang anim na buwan na pagkakakulong at multa na hanggang P100,000 ang mga lalabag sa nasabing batas.
Kumpiyansa si Ejercito na maipapasa ang nasabing panukala para matulungan ang mga delivery riders.
Malaking tulong aniya ito lalo ngayong lumalago ang online business. Kasabay aniya ng paglago ng nasabing negosyo ay tumataas din ang insidente ng online pranksters.
“Incidentally, I filed a bill that will protect online sellers, delivery courier riders from pranksters and scams. Because of the booming online business, we’ve seen the rise of online pranksters victimizing our delivery riders,” ani Ejercito. (DDC)