Mahigit 250,000 na mag-aaral nakatanggap na ng education assistance mula sa DSWD
Umabot na sa mahigit 250,000 na indigent na mag-aaral ang nakatanggap na ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa datos mula sa kagawaran umabot na sa P649 million ang halaga ng naipamahahing tulong sa 257,285 na mga estudyante sa ilalim ng kanilang educational assistance program.
Ayon sa DSWD mayroon pang nalalabing P900 million na pondo sa nasabing programa na ipamamahagi sa huling araw ng payout sa September 24.
Ang schedule naman ng payout sa mga lugar na naapektuhan ng masamang lagay ng panahon ay iaanunsyo na lamang ng DSWD kung kailan isasagawa.
Kabilang dito ang mga lugar sa Regions II, IV-A, at IV-B. (DDC)