Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA; posibleng pumasok sa PAR bukas
Isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,680 kilometers northeast ng extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Ayon sa PAGASA, posibleng sa Miyerkules (Sept. 7) ay pumasok sa bansa ang bagyo.
Samantala, sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw (Sept. 6), apektado ng Southwest Monsoon o Habagat ang western sections ng Northern at Central Luzon.
Dahil sa Habagat at Intertropical Convergence Zone, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang mararanasan na may isolated na pag-ulan dahil sa Habagat at localized thunderstorms. (DDC)