Mga bakunang ibinibigay sa booster shots kontra COVID-19 hindi expired ayon sa DOH
Mga bakunang ibinibigay sa booster shots kontra COVID-19 hindi expired ayon sa DOH
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang expired na bakuna na ibinibigay sa pagtuturok ng booster shots kontra COVID-19.
Sa media briefing, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na pinalawig ang shelf life ng ilang mga bakuna.
Ang mga manufacturers aniya ng naturang mga bakuna ang nagpasya sa pagpapalawig ng shelf life.
Dumaan aniya sa koordinasyon sa Food and Drug Administration (FDA) at masusing pag-aaral ang pagpapalawig ng shelf life ng mga expired na bakuna.
Ani Vergeire, lahat ng bakuna kontra COVID-19 na ginagamit ngayon sa vaccination program ng pamahalaan ay pawang mabisa at ligtas.
Ipinaliwanag naman ni Vergeire na hindi na nabago pa ang expiry dates na nakalagay sa mga vial ng bakuna.
Gayunman, mayroon aniyang sertipikasyon kung saan nakasaad ang pagpapalawig sa shelf life ng mga ito. (DDC)