Biyaheng South Experiential Tour para sa National Tourism Month, inilunsad ng MPT South, DOT CALBARZOn at DILG IV
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Tourism Month ngayong Setyembre, inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), katuwang ang Department of Tourism CALABARZON (DOT CALABARZON) at Department of Interior and Local Government Region IV-A (DILG IVA) ang kauna-unahang Biyaheng South Experiential Tour.
Sa tulong ng co-presentor nito na Millenial Resorts Corporation, at sponsors na GAC Motor Philippines at The Adventure, naglakbay ang MPT South kasama ang mga Ka-Biyahero nitong binubuo ng mga online content creators (Explore With Chelo PH; Hungry Byaheros, Lakwatsero Caviteno, All About Cavite, The Hungry Traveler PH, GO Cavite, GO Tagaytay, GO Batangas, at GO Philippines) at lifestyle media partners (TripZilla and Lifestyle Inquirer) sa 2-day road trip experience tungo sa iba’t ibang tourist destinations ng mga progresibong lalawigan sa rehiyon na mas madaling mararating gamit ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Sinimulan ang Biyaheng South Experiential Tour sa pagbisita sa sustainable headquarters ng MPT South-ang MPT South HUB na LEED Gold Certified, 4-storey building, na matatagpuan sa Imus, Cavite. Nakita ng grupo ang makabagong gusali at maging ang green technology nito katulad ng solar panel field, biophilic design, charging station para sa mga electric vehicles (EV), at ang highly advance traffic control room nito.
Para sa mas suwabeng road trip, sinakay ang mga Ka-Biyaheros sa world-class at magagarang SUVs at vans ng GAC Motor Philippines papunta sa itinerary ng Biyaheng South sa Cavite at Batangas.
Hindi lamang kilala ang lalawigan ng Cavite sa historical sites kundi maging sa mga nag-uusbungang art galleries, museo, pati na rin ang mga zoos. Dinala ng Biyaheng South ang team sa isang cultural trip at binisita nito ang isang secret garden place, Cordillera-inspired “Living Museum” sa Silang, Cavite na tinawag na Shambala Silang.
Dito ay naranasan ng grupo ang yaman ng kalikasan, sining lokal, at authentic Filipino cuisine. Sinubukan rin ng mga Ka-Biyaheros ang mga atraksyon sa Yoki’s Farm na matatagpuan sa Mendez, Cavite. Ang sampung ektaryang farm na ito ay mayroon ring zoo at museo sa loob. Nakalapit ang team ng personal sa mga farm at exotic animals at nagkaroon rin ng pagkakataon na magpakain sa mga ito.
Matapos mag-explore sa ibat-ibang art galleries at museo, nagtungo naman ang Biyaheng South sa Calatagan, Batangas na kilala sa mga scenic seaside tourist spots. Nasaksihan ng mga Ka-Biyaheros ang golden sunset na may overlooking view sa karagatan ng Calatagan sa Cape Santiago Lighthouse, na nakatayo sa itaas ng matarik na dalisdis, isa sa pinakalumang lighthouse sa bansa na patuloy pa ring nagagamit. Ilang kilometro ang layo mula rito ay matatagpuan ang Calatagan South Beach (CaSoBe) ng Millennial Resorts Corporation kung saan nag overnight stay ang buong team sa Crusoe Cabins. Ang Crusoe Cabins ay binuo mula sa upcycled container can na ginawang mga innovative rooms at ibinagay ang disenyo sa rustic seascape ng lugar.
Nagtapos ang Biyaheng South Experiential Tour sa paglahok ng team sa isang Tai Chi Gong class at sumubok ito ng ecotheraphy, healthy food preparation classes tulad ng juice making, sa isa sa mga “Most Relaxing Spas in Asia” ng CNN Go- ang Nurture Wellness Village sa Tagaytay City.
“We wanted to thank our partners, the Department of Tourism Region 4-A (DOT Calabarzon), the Department of Interior and Local Government Region 4-A (DILG 4-A), our co-presenter Millennial Resorts, and our sponsors GAC Motor and The Adventure for making this event possible. As we join the celebration of the National Tourism Month, MPT South is very hopeful for the fast recovery of the tourism sector in Region 4-A by providing accessible road and convenient travel to individuals, after lockdowns brought about by the pandemic,” ani Ms. Arlette Capristrano, Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management Division ng MPT South.
“Cavite and Batangas are blessed to have many open-air, nature, arts, and culture-based tourism products that our domestic travelers would like to experience when traveling amid the pandemic. And best of all, these tourism destinations and attractions can be accessed quickly and conveniently from Metro Manila through land travel via the Cavite-Laguna Expressway (CALAX), which is the most ideal way to travel south. It is with the hope that the partnership forged between DOT IV – A and MPT South will promote a dynamic tourism service and enhance our economy through inclusive and sustainable development of tourism with the Biyaheng South Program,” pahayag ni Regional Director Marites Castro ng Department of Tourism Calabarzon.
“By promoting domestic travel in Batangas through programs like Biyaheng South Experiential tour, Millennial Resorts and MPT South is helping the tourism industry recover from the challenges of the times,” dagdag ni Patrick C. Gregorio, Landco senior consultant for Hospitality and Tourism.
Ang “Biyaheng South” ay isang award-winning tourism program ng toll road company na aktibo sa iba’t ibang social channels gaya ng Facebook at TikTok sa pagpapakilala sa toll road network ng MPT South na Manila-Cavite Expressway (CAVITEX at CAVITEX C5 Link) at ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) bilang isang gateway patungo sa mga kagila-gilalas na tanawin at lugar sa mga probinsya sa South. Sa mahigit 20,000 combined followers nito para sa dalawang platforms, ang Biyaheng South ay nakapagtala na ng mahigit sa isang milyong views sa TikTok at lifetime reach na 430,000 sa Facebook, na nakapagtaas sa vehicle traffic count sa expressways nito at nakatulong din sa pagpapalago ng turismo at ekonomiya sa mga nabanggit na probinsya.
Isa ang MPT South sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Ito ang pinaka malaking toll road builder at operator sa bansa. Bukod sa CAVITEX at CALAX, kabilang rin sa portfolio ng MPTC ang concessions para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordoval Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. (Bhelle Gamboa)