Comelec chair Garcia ininspeksyon ang lugar na pagtatayuan ng bagong Comelec office

Comelec chair Garcia ininspeksyon ang lugar na pagtatayuan ng bagong Comelec office

Pinangunahan ngayong araw ng Lunes, Setyembre 5, 2022 ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang ocular inspection sa pagtatayuan ng COMELEC main office building sa Central Business Park 1 Island A, Pasay City.

Dakong alas-9:00 ng umaga ng simulang suriin ni Chairman Garcia kasama ang iba pang opisyal ng Comelec ang mahigit 200 ektaryang lupa sa naturang lugar na sapat na aniya para maitayo ang lahat ng pangangailangan ng COMELEC sa kanilang mandato.

Ang kasalukuyang main office sa Intramuros, Manila ay ginagastusan aniya ng renta na P130 milyon kada taon maliban pa rito ang binabayarang upa sa paghahain ng certificate of candidacy, kapag canvassing at iba pang mandato ng komisyon.

Binigyang-diin ni Garcia na kapag nagkaroon na sila ng sariling gusali ay malaki ang matitipid ng gobyerno sa kanilang mga gastusin.

Aniya, nasa P9.3 bilyong piso ang aabuting gastusin ng gobyerno sa pagpapatayo ng dalawang gusali,isa rito ang siyam na palapag na gusali at isa pa na magsisilbing warehouse at paggaganapan ng paghahain ng COCs ng mga national candidates, canvassing at iba pang okasyon na mandato ng komisyon.

Pinasalamatan ni Garcia ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagkakaroon ng P500-M o ang paunang pondo para sa 2023 budget sa pagpapatayo ng gusali at umaasa sila na maaring taasan pa ito ng kongreso sa P2B sa taon 2023.

Kapag napagbigyan sa hinihiling na pondo makakagawa agad sila ng building sa loob ng tatlong taon upang mas makatipid pa ang gobyerno sa gastusin ng Comelec. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *