DOH nakapagtala na ng 1,467 na kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong taon
Patuloy na nadaragdagan ang naitatalang kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang August 20, 2022 ay 1,467 leptospirosis cases na ang naitala,
Mas mataas na ito ng 15% kumpara sa kaso ng leptospirosis na naitala sa kaparehong petsa noong 2021 na 1,278 lamang.
Karamihan sa naitalang kaso ay mula sa NCR (279, 19%), Region Region II (174, 12%) at Region VI (174, 12%).
Sa nakalipas na halos isang buwan o mula July 24 hanggang August 20, nakapagtala ng 106 na bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 36 cases ang mula sa NCR; 12 cases sa Region II at 10 cases sa Region XI.
Nakapagtala na din ng 205 na nasawi dahil sa leptospirosis ngayong taon. (DDC)