Joint Maritime Exercise ng PCG at US Coast Guard naging matagumpay
Sumabak ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Maritime Exercise sa Mariveles, Bataan kasama ang United States Coast Guard (USCG) .
Ayon sa PCG, naging matagumpay at ligtas ang pagsasanay sa pagitan ng PCG at USCG sa kabila ng lakas ng hangin at laki ng alon na naranasan.
Maliban sa joint search and rescue exercise, naglunsad din ng Anti-Piracy Exercise ang Law Enforcement Afloat Detachment (LEAD) team ng PCG.
Ang mga miyembro ng Coast Guard LEAD team ay sumailalim sa pagsasanay ng USCG, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), at Japan Coast Guard (JCG) patungkol sa tama at epektibong pagsasagawa ng visit, board, search, and seizure (VBSS) na bahagi ng kanilang counter-piracy operations. (DDC)