Pilot implementation ng automated fare collection system tatagal ng hanggang 12 buwan
Tatagal ng 9 haggang 12 buwan ang pilot implementation ng automated fare collection system ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pampublikong sasakyan.
Unang inilunsad ang nasabing programa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan ang mga PUVs ay nilagyan ng AFCS gamit ang Land Bank cards.
Ayon kay DOTr Usec. Timothy John Batan, pipili ang DOTr ng mga units at ruta na lalagyan ng AFCS para mapasama sa pilot testing.
Sinabi ng DOTr na layon ng Automated Fare Collection System Euro-Mastercard-Visa Pilot Production Testing Project (AFCS EMV PPT) na magawang cashless na ang pagbabayad sa mga modern PUVs.
Kung walang payment cards ang mga pasahero ay maaari pa rin naman silang magbayad ng cash.
Sa ngayon mayroon nang 150 na PUVs sa bansa ang tumatanggap ng Land Bank prepaid at credit contactless cards. (DDC)