Dahilan ni dating Comelec spokesperson James Jimenez sa maagang pagreretiro, personal at kalusugan ayon kay Garcia

Dahilan ni dating Comelec spokesperson James Jimenez sa maagang pagreretiro, personal at kalusugan ayon kay Garcia

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia na nag-retiro na si Comelec Education and Information Department head James Jimenez.

Ayon kay Garcia, personal at kalusugan ang dahilan ng maagang magreretiro ni Jimenez na dati ring nagsilbi bilang tagapagsalita ng Comelec.

August 31, 2022 aniya nang aprubahan ng Comelec en banc ang kahilingan ni Jimenez para sa early retirement.

Epektibo ang pagreretiro ni Jimenez sa Sept. 16.

Magugunitang inalis bilang tagapagsalita ng Comelec si Jimenez dahil sa kontrobersiya na nangyari sa final presidential at vice presidential debates noong nakaraang eleksyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *