Sen. Robin Padilla dismayado sa pag-isnab ng mga miyembro ng ehekutibo sa pagdinig ng senado
Dismayado si Senator Robin Padilla sa hindi pagdala ng mga miyembro ng executive branch sa pagdinig ng senado sa panukalang rebisahin ang 1987 Constitution.
Ang pagdinig ay pinangunahan ng pinamumunuang komite ni Padilla na Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
Ayon kay Padilla, ang executive at legislative branches ay may pantay na kapangyarihan. Dapat aniyang irespeto ng mga miyembro ng ehekutibo ang imbitasyon ng lehislatura lalo na kung ang pinag-uusapan ay Constitutional issues.
Sa nasabing pagdinig, kapwa hindi sumipot sina Department of Energy (DOE) Sec. Raphael Perpetuo Lotilla at dating DOE Sec. Alfonso Cusi.
Sinabi ni Padilla na kung ang bansa ay nasa Parliamentary system na, obligado na ang mga miyembro ng ehekutibo na tumugon sa pagpapatawag ng lehislatura. (DDC)