500 kawani ng MRT-3 tumanggap ng booster shots kontra COVID-19
Nagsimula nang makatanggap ng kanilang second booster shots kontra COVID-19 ang mga empleyado ng MRT-3.
Ito ay sa booster vaccination rollout na inilunsad ng pamunuan sa MRT-3 depot.
Nasa 500 mga kawani na binubuo ng mga stations, maintenance, at depot personnel ng MRT-3, gayundin ng mga empleyado mula sa maintenance at security providers ng linya, ang nakatakdang makatanggap ng 2nd booster at 1st booster shots bilang dagdag na proteksyon kontra COVID-19.
Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr. ang bakuna ay mabisang paraan upang matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga empleyado kundi pati na rin ng mga pasahero na kanilang nakakasalamuha.
Ang booster vaccination rollout para sa mga empleyado ng MRT-3 ay inilunsad sa pakikipag-ugnayan ng pamunuan sa Quezon City Health Department. (DDC)