Bagyong Henry humina pa; Signal No. 2 nakataas pa rin sa Batanes
Bahagya pang humina ang bagyong Henry habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 365 km East Northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes.
Habang signal number 1 naman sa Babuyan Islands at sa northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Ngayong araw, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, at Abra.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan naman sa Cagayan.
Sa susunod na 24 na oras, magpapaulan din ang Southwest Monsoon o Habagat sa Isabela, western portion ng Central Luzon, at sa nalalabi pang bahagi ng Cordillera Administrative Region.
Inaasahang hihina pa ang bagyo sa suusnod na 12-oras. (DDC)