Second tranche ng wage hike sa CARAGA at SOCCSKSARGEN epektibo na ngayong araw

Second tranche ng wage hike sa CARAGA at SOCCSKSARGEN epektibo na ngayong araw

Epektibo simula ngayong araw, Sept. 1 ang second tranche ng wage hike para sa mga manggagawa sa CARAGA Region at SOCCSKSARGEN.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, epektibo na ang second tranche ng Wage Order No. RBXIII-17 Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-Caraga na nagkakahalaga ng P10.

Ito ay para sa mga manggagawa sa Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands.

Ang bagong minimum wage para sa buong rehiyon ay P350 na.

Samantala, simula din ngayong araw ay epektibo na ang second tranche Wage Order No. RBXII-22 ng RTWPB-SOCCSKSARGEN na karagdagang P16.

Ang bagong minimum wage rate sa rehiyon ay P368 na para sa non-agriculture sector at P347 sa agriculture/service/retail establishments. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *