Kaso ng monkeypox sa buong mundo lagpas 50,000 na – WHO

Kaso ng monkeypox sa buong mundo lagpas 50,000 na – WHO

Umabot na sa 50,000 ang naitatalang kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Sa datos ng World Health Organization (WHO), kabuuang 50,496 na ang naitalang kaso ng monkeypox at mayroon ding naitalang 16 na nasawi.

Sa kabila nito sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na mayroong pagbaba sa naitatalang bagong kaso ng monkeypox.

Sa Canada, pababa na aniya ang trend ng naitatalang kaso gayundin sa ilang European countries kabilang ang Germany at Netherlands.

Magugunitang noong July 24 idineklara ng WHO ang public health emergency para sa monkeypox. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *